60 porsyento ng tawag sa 911, prank calls – DILG
- Published on January 23, 2025
- by Peoples Balita
TINATAYANG 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National Police (PNP) ay prank calls.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito.
Ayon pa kay Remulla, isa sa nakikita nilang problema kaya hindi mahabol at maparusahan ang mga gumagawa ng prank calls ay dahil sa hindi pa integrated ang national ID system sa telecommunications company.
Kaya sinasamantala rin aniya at naglipana ang POGO scam dahil hindi naging masyadong epektibo ang SIM Card Registration Act.
Dahil dito, kaya palalakasin aniya nila ngayong taon ang 911 integrated system sa buong PIlipinas sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondong P500 milyon na tinanggal sa intelligence fund ng PNP.
“Yung savings na ‘yun ay ilalagay natin sa launching and bidding process ng Integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So from intelligence fund to 911. It will be a fully audited system na under scrutinous bidding,” ayon pa kay Remulla.
-
Cariaso mananatili sa Converge
MANANATILI sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47. Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza. Nais ni team governor at dating PBA commissioner Chito Salud na makabuo muna […]
-
Kelot na wanted sa carnapping, nadakma ng Valenzuela police
KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Dalandanan ang presensya […]
-
DOTr, OWWA lumagda sa kasunduan upang tulungan ang mga OFWs
Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho. Ang kasunduan ay naglalayon na bigyan ng trabaho ang mga OFWs na nawalan ng trabahao dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng opurtinidad na magtrabaho […]