600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China.
Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo.
Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Ilan sa mga opisyal ng gobyerno na sumalubong sa COVID vaccine arrival ay sina Sen. “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Health Sec. Francisco Duque, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pa.
Isa-isang ini-offload mula sa Chinese military aircraft ang kahong-kahon na naglalaman ng Sinovac at ito ay dinis-infect, bago kumuha ang pangulo ng sampol nito at ipinakita sa harap ng camera.
Nabatid na napaaga ang military craft ng China kung saan pasado alas-4:00 ng hapon pa lamang ay nakalapag na ito sa Villamor Air Base, taliwas sa napaulat na alas-5:00 ng hapon ito darating.
Samantala, nagpasalamat si Digong sa pamahalaan ng China para sa kanilang donasyong bakuna na panlaban sa nakakamatay na virus.
Kasabay nito, tiniyak ng pamahalaan na magtutuloy tuloy na ang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease. (Daris Jose)
-
Ads August 4, 2023
-
“DRAGON BALL DAIMA” EPISODIC SERIES TO STREAM WITH SUBTITLES ON CRUNCHYROLL THIS OCTOBER
Manila, Philippines (September 13, 2024) – In celebration of the 40th anniversary of Akira Toriyama’s original manga, which launched the Dragon Ball anime franchise, legendary studio Toei Animation brings fans a brand-new adventure. Dragon Ball DAIMA, the upcoming original anime series based on a new Dragon Ball story and characters from creator Akira Toriyama, […]
-
GUMAGAWA NG COMMUNITY PANTRY, HUWAG ISTORBOHIN, ISKO
NAGBIGAY ng direktiba sa Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) na huwag istorbohin ang sinumang gumagawa ng kabutihan. Ayon kay Yorme, maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic. Mismong si Manila Mayor Isko Moreno na ang nagsabi […]