600K na deactivated voters, nagpa-reactivate
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung saan 2.6 milyon ang bagong botante at mahigit na 600,000 ang nagpapa-reactivate.
Ayon kay Laudiangco, inaasahan na sa dalawang linggo na nalalabi para sa registration ay mas dadami pa ang mag-apply bilang bagong rehistradong botante at lalong-lalo na ‘yung mga na-deactivate.
Ang deadline para sa online na aplikasyon para sa muling pagsasaaktibo ay pinalawig mula Setyembre 7 hanggang Setyembre 25, 2024.
Ang proseso sa pag-reactivate ay pareho ng iba’t ibang klase ng application. Ang kanilang application ay ipapaskil sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, o bayan,” said Laudiangco.
Ang pinakahuling data mula sa poll body ay nagpakita na ang bilang ng mga na-deactivate na botante para sa 2025 May elections ay nasa 5,376,630 noong Setyembre 11.
Ang mga dahilan para sa pag-delist ay ang hindi pagboto sa dalawang magkasunod na naunang regular na halalan, sa pamamagitan ng utos ng hukuman, pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino, at pagkakaroon ng mga di-wastong dokumento.
Samantala, inulit ni Laudiangco ang panawagan ng poll body para sa mga deactivated voters na mag-apply para sa reactivation. Maaari silang mag-apply online hangga’t mayroon silang kumpletong biometrics sa lokal na tanggapan ng Comelec kung saan sila nagparehistro. GENE ADSUARA
-
Pagsaklolo sa mga mangingisda na apektado ng commercial fishing tiniyak ni Speaker Romualdez
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang suporta sa mga mangingisda ng Iloilo upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan mula sa banta ng komersyal na pangingisda. Nakipagpulong ang pinuno ng Kamara sa mga lider at kinatawan ng mga mangingisda sa Sicogon, Carles, Iloilo, matapos dumalo sa groundbreaking ceremony para sa P388-milyong Submarine Cable Interconnection […]
-
DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET
NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon. Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, […]
-
DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed
IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration. Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]