• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

61 simbahan sa Maynila, tututukan ng MPD sa Simbang Gabi

TINIYAK  ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon na sapat ang itatalagang mga uniformed at civilian clothes personnel na magbabantay sa 61 simbahan sa Maynila para sa Simbang Gabi.

 

 

Sinabi ni Dizon,  na simula sa Dec. 16, asahan na magi­ging maayos at sapat ang kapulisan na itinalaga sa Quiapo Church,  Sto. Nino Church, San Sebastian Church, Manila Cathedral, San Agustin Church, at iba pang simbahan sa lungsod.

 

 

Kadalasang naoobserbahan sa panahon ng Simbang Gabi ang mga insidente ng  rambulan o frat war ng mga kabataan, holdapan at pandurukot.

 

 

Samantala, inihayag ni Dizon na hindi na ipatutupad pa ang pagbubusal ng mga baril ng mga tauhan ng MPD at umaasa siya na dapat pagkatiwalaan ang kaniyang mga tauhan na hindi magpaputok ng walang kabuluhan o indiscriminate firing sa panahon ng Kapaskuhan.

 

 

Paliwanag niya, sapat nang isipin at magsisilbing leksyon sa kapulisan na kung ano ang mawawala sa kanila kung gagawa pa ng katulad ng mga nadismis na miyembro ng PNP dahil lamang sa indiscriminate firing. (Daris Jose)

Other News
  • IATF, pinapayagan na ang paggamit ng antigen test bilang entry requirement sa Pinas

    MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na ang ipakikita lamang ay ang antigen test na gawa ng healthcare professionals.     Ito’y matapos na sang-ayunan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Miyerkules ng gabi na payagan ang paggamit ng rapid antigen test na gawa […]

  • Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang  Commander ng Presidential Security Group (PSG).     Pinalitan ni Morales sa puwesto si  Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang  Commander ng Civil Relations Service ng  Armed Forces of the Philippines, […]

  • Vanessa Bryant naging madamdamin ang pagbati sa ika-43 kaarawan ng asawang si Kobe

    Puno pa rin ng pagmamahal ang pagbati ni Vanessa Bryant sa ika-43 kaarawan ng pumanaw na NBA star na si Kobe.     Sa kaniyang social media ay nag-post ang maybahay ng Los Angeles Lakers star ng larawan nilang dalawa at may mensaheng mahal niya ng buong buhay.     Bukod kay Vanessa ay bumuhos […]