625 city ordinance violators, huli sa Caloocan
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.
Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng tahanan.
Ang mga nahuling lumabag ay dinala sa mga barangay covered court na malapit sa mga Police Sub-Station, kung saan sila inisyuhan ng violation ticket.
Binigyan din ng face mask ang mga nahuling walang suot nito.
Bago pinauwi ay muli rin silang pinaalalahanan at hinikayat na sumunod sa mga umiiral na ordinansa bilang bahagi ng patuloy na laban sa pandemya.
Ayon kay Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, mahigpit na ipatutupad ng ating mga kapulisan ang mga ordinansa base na rin sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan.
“Patuloy po tayong nakikiusap sa mga mamamayan ng Caloocan. Magiging mahigpit po ang ating pagbabantay, hinihingi po namin ang inyong pagsunod. Kung hindi po tayo nagtatrabaho ay manatili na po tayo sa ating mga tahanan sa oras ng curfew,” pahayag ni Col. Mina. (Richard Mesa)
-
Ads January 10, 2024
-
PDu30, inatasan ang DILG na maging bahagi ng supervisory team sa point to point delivery ng maselang bakuna gaya ng Pfizer
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer ay huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay idiretso na agad […]
-
Italya mapagkukunan ng mga basketbolista
HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon. Ilista na rin ang Italya. May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021. Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera […]