668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance.
“The wait is over. After more than a year, 668 families have now claimed their Bayanihan 1 second tranche. This is just the beginning though. We will continue to work with the DSWD until all qualified Navoteño beneficiaries have received their cash aid,” ani Mayor Toby Tiangco.
Noong nakaraang December, sumulat si Tiangco kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas at tinanong kung bakit ang ilang beneficiaries ay hindi naibukod sa payroll ng pangalawang tranche ng SAP.
Nagpadala ang alkalde ng kabuuang 51 sulat na naglalaman ng 4,382 mga pangalan ng mga beneficiary na nagsabing hindi nila natanggap ang kanilang emergency cash subsidy.
Si Tiangco, kasama ang ilang depertment heads ng lungsod ay nakipag-diyalogo sa mga opisyal ng DSWD upang maayos ang usapin.
Sa isang pagpupulong kay DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista at iba pang pangunahing personalidad ng DSWD noong Agosto 9, nalaman ng lungsod na 668 sa mga benepisyaryo ay walang kumpletong datos ngunit karapat-dapat na makatanggap ng cash aid. (Richard Mesa)
-
‘Sonic the Hedgehog 2’, US Highest-Grossing Video Game Movie
SONIC the Hedgehog 2 has become the highest-grossing video game film ever at the US box office, surpassing the original Sonic the Hedgehog film’s gross. The sequel saw Ben Schwartz, Jim Carrey, James Marsden, and Tika Sumpter return to reprise their roles from the first film. The series is set to expand into television through Paramount’s Paramount+ […]
-
DSWD, may sapat na pondo para sa calamity assistance hanggang matapos ang 2022
MAY sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para suportahan ang calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022. “As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito […]
-
No vaccine, no contact sports – PSC
Pinayuhan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez ang lahat ng National Sports Associations (NSAs) na sumunod sa ipinatutupad na protocol at rekomendasyon mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa unti-unting pagbabalik ng sports sa “new normal.” Pansamantala, dapat muna umanong ituon ng NSAs ang kanilang […]