• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7-araw na tigil pasada, ikinakasa ng ilang transport group

IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.

 

 

Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public Utility Vehicle Modernization program na hanggang Hunyo a-trenta na lamang.

 

 

Sa panayam sa transport group na Manibela na si Chairman Mar Balvuena, aniya ang dahilan umano ng gagawin nilang transport strike ay para mapansin at makita pa sila ng pamahalaan, kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga sasakyan sa bansa. Sakripisyo rin umano ito sa mga driver na hindi papasada sa ilang araw gaya na lamang ng hindi pagpapasada sa gitna ng pandemya.

 

 

Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na sana’y pagbigyan ang hiling na limang taon pa bago ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization program at sana’y mapakinggan sila hinggil sa iprenisinta nilang disenyo ng Jeepney na pasok naman sa standards at mas mura pa sa gagastusin sa nasabing programa.

 

 

Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ng mga transport group hinggil pa rin sa modernization program na inilabas ng LTFRB at ang patuloy na banta ng transporst strike sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

    NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.   Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]

  • Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon

    HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon.   Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous.   “Laging sinasabi ni […]

  • AIKO, nagmukhang bata sa laki ng ipinayat at inakalang si MARTHENA sa kanyang post

    ANG laki na ng pinayat ni Aiko Melendez, kaya naman isa ‘yun sa napansin ng netizens nang mag-post siya sa IG account na kung saan na-complete na ang kanyang bakuna.     Caption niya, “2nd vaccine! Thank you Lord and to all the medical frontliners, volunteers. Dra Mariz Pecache for the assistance. Dra Fortun salamat […]