7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal.
Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel O. Pangilinan.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) na ilang indibidwal ang kumukuha at nagtatapon ng mga mineral sa Barangay San Isidro nang walang kinakailangang permit at clearance mula sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ng Lalawigan ng Rizal at ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) Region IV-A.
“NBI-EnCD immediately conducted a series of surveillance operations which confirmed the quarrying activities in the target area,” ayon pa sa NBI.
Kinasuhan ng paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga suspek sa Rizal provincial prosecutors office. GENE ADSUARA
-
Sa kinagigiliwang segment ng ‘AOS’: TOM, ‘di nasagot ang tanong tungkol kay CARLA kaya nadismaya ang netizens
NAGBALIK na sa bahay nila ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng vlog nila na “After All” na nasa 10th episode na. Nag-decide daw silang iwanan muna ang bahay nila, at lumipat sila sa kanilang condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling. […]
-
Superliga beach volleyball, kinansela
TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly. Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon. Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay […]
-
Ads November 21, 2022