• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).

 

Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa.

 

Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.

 

Napakahalaga ang partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.

 

Ibinahagi rin  ni  Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.

 

Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.

 

Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022.

Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.

 

Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bumoto sa dalawang magkasunod na halalan.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan

    Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes.     Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang […]

  • Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan

    Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.     Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan. […]

  • Producer din ng movie ang mag-boyfriend: INAH, inamin na challenging na makasama sina JOHN, JAKE at KAILA

    HINDI raw agad makapaniwala ang indie actress at Vivamax star na si Quinn Carillo na kabilang siya sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na pinakauna niyang series sa GMA.     Dagdag pa rito na panggabi o primetime ang kanilang serye.     Lahad ni Quinn, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi nung una, sabi nga po, […]