7 PASAHERO NG MOTOR LAUNCH NASAGIP NG COAST GUARD
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
PITONG pasahero ng motor launch ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Roxas at Bantay Dagat Roxas sa karagatang sakop ng Zabala Reef , Barangay Caramay, Palawan
Sa ulat ng PCG, nakatanggap ito ng distress call mula ML MRRL’s skipper na si Ricky Conge kaya nagsagawa ng the joint search and rescue (SAR) team.
Ayon kay Conge, nagambala ang propeller ng motor launch habang naglalayag sa Tulariquin Reef at Zabala Reef patungong Barangay Sta. Teresita, Dumaran, Palawan.
Ang mga nasagip na pasahero ay dinala sa Roxas Feeder Port, habang ang motor launch ay hinila gamit ng motorized boat. GENE ADSUARA
-
Mga Pinoy sa HK, binabantayan na ng DOLE dahil sa ‘mandatory vaccination order’
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na binabantayan na nito ang kasalukuyang sitwasyon sa Hong Kong kasunod nang naging desisyon ng gobyerno nito na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa libo-libong banyagang manggagawa sa naturang rehiyon. Ayon kay Director Rolly Francia, mino-monitor na raw ng DOLE ang pagpapatupad […]
-
MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO
KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan. Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?” Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]
-
Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo
WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex. Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM […]