70-man Chinese biz delegation, tinitingnan ang investment opportunities sa Pinas
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ng Chinese delegation na binubuo ng 70 business executives na bumisita sa bansa na i- explore ang investment opportunities sa Pilipinas.
Sa isang kalatas, sinabi ng Board of Investments (BOI) na malugod na tinanggap nito ang 70-man business delegation ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) sa pangunguna ng pangulo at Bank of China (BOC) country head for the Philippines Hu Xinquan noong Hunyo 15 sa Makati City.
Ang 70 Chinese executives ay naghahanap ng oportunidad sa Pilipinas lalo na sa sektor ng “engineering at construction, finance, trade, telecom, energy, agriculture, at manufacturing industries.”
Sinabi ng BOI na ang business mission sa Pilipinas ng Chinese delegation ay bahagi ng pakikipagtulungan sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) on Investment Promotion na nilagdaan ng BOI at BOC noong nakaraang Enero 4, sa naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Beijing.
“After the State Visit in China, more Chinese enterprises are even more eager to accelerate their business in the Philippines. BOI, DTI (Department of Trade and Industry), and the Bank of China will be able to help CEPA members to grow their investments in the Philippines,” ayon kay Hu.
Sa kabilang dako, hinikayat naman nina DTI Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo ang mga Chinese investors na tingnan at pag-aralan ang pamumuhunan sa mineral processing value chain ng bansa.
We are not blessed with fossil fuel but we have an abundance of green metals. We are currently the number one exporter of nickel direct shipping ore in the world, with 22 producing nickel mines in 2021. This opens up opportunities for mineral processing and battery manufacturing, in support of the electronic vehicle global supply chain,” ang wika ni Rodolfo.
Sa pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa dalawang bansa, sinabi ng BOI na mapapalakas ng free trade agreement ang “trade at investment relations” sa pagitan ng PIlipinas at China. (Daris Jose)
-
Obiena pagkatapos ng Olympics magpapabakuna
Habang atat ang mga atletang maturukan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay nagdadalawang-isip naman ang kampo ni Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena. Sinabi ng tatay ni Obiena na si Emerson na may masamang epekto sa atleta ang COVID-19 vaccine base sa kanilang pagtatanong. “Base sa mga pagtatanong nila sa […]
-
We will see-PBBM
“WE will see.” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung may posibilidad na mapagkalooban ng clemency si Mary Jane Veloso, isang OFW na nakatakdang ilipat sa Philippine facility matapos ang ilang taon na pagkakakulong sa Indonesia makaraang hatulan ng parusang kamatayan sa nasabing bansa dahil sa pagdadala ng […]
-
Gobyerno na lang dapat mag-import ng bigas – Tulfo
Dahil sa hindi naman daw bumababa ang presyo ng imported rice sa merkado, nais ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo na tanging ang Department of Agriculture (DA) na lang ang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. “Binabaan na nga ng Pangulo ang taripa ng imported na bigas ng mga negosyante, […]