• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

70% ng PH COVID-19 cases gumaling

Gumagana ng maayos ang healthcare system ng bansa, patunay na rito ang umanoy pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Policy Against COVID-19.

Ipinagmalaki ni Galvez ang datos noong Setyembre 2 na nagpapakita na 158,610 o 70 porsyento ng kabuuang pasyente sa COVID-19 ang nakarekober.

“Ipinapakita din nito na kahit wala pang bakuna, kayang-kaya po natin na mapataas ang bilang ng ating recoveries at maibaba ang case fatality rate (It also shows that even without the vaccine, we can manage to increase the number of our recoveries and slow down the case fatality rate),” ani Galvez.

Nitong Setyembre 3 ay umabot na sa 228,403 ang COVID-19 cases sa Pilipinas kung saan 64,207 dito ang aktibong kaso.

Sa mga aktibong kaso naman 90.8 percent ang mild, 6.7 percent ang asymptomatic, 1.0 percent ang severe, at 1.4 percent ang critical. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads June 12, 2021

  • KIKO at HEAVEN, tila nabuking sa relasyon at tama ang hinala ni DEVON

    BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.       At si Dingdong nga ang nag-initiate na marami na sa mga kasamahan nila, lalo na sa industriya ang mabakunahan.     Ang mga PPL Entertainment Inc. at All Access to Artists ay mga kasabay nila na nagpabakuna, same sa mga riders ng Dingdong.ph at ilang […]

  • 2 years after: Ekonomiya ng PH, masigla na uli – DTI Sec. Lopez

    BUMALIK  na uli ang sigla ng ekonomiya ng Pilipinas makalipas ang dalawang taon na nasa ilalim ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic ang bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, dahil sa pagluwag sa alert level status sa mga nakalipas na buwan ay nakakabalik na sa “pre-pandemic volume” ang […]