73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.
“Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani Mayor Rex.
Ayon kay Public Information Officer Zyan Caiña, karamihan sa mga matatanda ito ay iniligtas ng pamahalaang lungsod matapos silang abandunahin ng kanilang mga pamilya sa lansangan buwan na ang nakalipas.
Ang napabayaang mga senior citizens ay pansamantalang nakatira sa Bahay Kalinga na pinondohan ng lungsod na matatagpuan sa Barangay Canumay West, ang kalahati ay para sa mga so-called children na nangangailangan ng special protection (CNSP) o sa mga inaabuso at napabayaang bata.
Ang pamahalaang lungsod ay nagset-up ng pansamantalang dormitoryo sa loob ng Bahay Kalinga upang matulungan ang mga inabandunang mga senior citizen habang itinatayo ang isang permanenteng istraktura na eksklusibo para sa kanila.
Tiniyak ni Gatchalian na ang mga inabandunang matatanda ay bibigyan ng bakuna kontra Covid-19 bago sila mailipat sa kanilang mga bagong tahanan, ang Bahay Kanlungan, na matatagpuan din sa naturang lugar.
“It’s the best way to protect them and the entire community as well,” ayon sa alkalde ng Valenzuela na nagsabing ang kanilang bagong tirahan ay matatagpuan sa property na pagmamay-ari ng kanyang ama na si William Gatchalian, na nagbigay nito sa lokal na pamahalaan para sa hangaring ito.
Ang Bahay Kalinga ay itinatag noong panahon ni Mayor at ngayon ay Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian na tumupad sa kanyang pangako na magtayo ng ganoong istraktura upang magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga taong street wanderers, foundling children at mga nakarekober mula sa anumang uri pang-aabuso. (Richard Mesa)
-
Muhammad in, Johnson out
NAKATAKDANG palitan si Orlando Johnson ni Shabazz Muhammad bilang import San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elimination round. Martes dumating ng ‘Pinas ang first round pick ng Utah Jazz sa 2013 National Basketball Association Draft na nakapaglaro rin sa Milwaukee Bucks. Dalawang sabak pa lang si […]
-
Pacquiao nakalaro ng bilyar sina Bata at Djanggo
Nagpahayag ng suporta ang dalawang billiard legend ng bansa na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Djanggo” Bustamante kay Senador Manny Pacquiao. Nakaharap ng Filipino boxing champion ang dalawang billiard legend kung saan naglaro pa ang mga ito ng billiard. Itinaas nina Reyes at Bustamante ang kamay ni Pacquiao na nagpapakita […]
-
Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang
TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households. Siniguro ni Andanar, may available ng […]