• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

75 NA IMMIGRATION OFFICERS, NAGSIPAGTAPOS

MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).

 

 

Ang mga nagtapos na mga BI Immigration ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco  na ang 75 ay sumailalim sa isang makabagong  fast-tracked course na naglalayon na maibigay  ang ” brief and concise learning experience” para sa mga bagong IO’s na magsisilbing frontliners  sa mga paliparan.

 

 

Lahat ng immigration officers ay sumailalim sa  pagsasanay sa ilalim ng BI-PIA kabilang ang immigration laws, rules, and procedures. Matatagpuan ang academya sa Clark, Pampanga, pero ang mga bagong officers ay nagsanay sa  NAIA para sa mas holistic at  on-the-ground training.

 

 

Ang mga bagong IO’s ay sinanay sa pinakabago at tamang kaugalian sa immigration industry at maaari silang mai-deploy pagkatapos ng kanilang kurso.

 

 

Ang mga bagong nagtapos ay binubuo ng 22 babae at 63 na lalaki at dinaluhan ni Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla, bilang guest of honor at  speaker.

 

 

“I am proud to have been given an opportunity to address you this morning,” ani Remulla sa kanyang talumpati.  “Soldiers you are, warriors you are, but given a task sometimes called so mundane, but actually very significant at a time when terrorism other crimes have crossed borders without limit.  You are the ones who limit the movement of people who will not do our country good favor,” ayon pa kay Remulla.

 

 

Ayon kay Tansingco, ang karagdagan na mga personnel ay dagdag sa pangangailangan sa airport at iba pang sangay ng BI.

 

 

“As we continually recover from the woes of the Covid-19 pandemic, we need a new breed of officers to cope with the increasing volume of passengers,” ayon sa BI Chief. “We also trust that through this action, we strengthen our drive to combat human trafficking and thwart the entry of unwanted aliens in our borders,” dagdag pa nito.

 

 

Ang 75 na bagong mga IO’s ay karagdagan sa halos 1,000 personnel na idineploy sa iba’t-ibang paliparan. GENE ADSUARA

Other News
  • CHR ukol sa drug war report “No malice, we did our mandate”

    PINANINDIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang report nito na mayroong paggamit ng “excessive force” laban sa drug suspects at maraming biktima ang di umano’y tumanggi ang nauwi sa pagkamatay na karamihan ay mula sa marginalized communities.     “Contrary to remarks that seek to put malice in the crucial work of CHR, our […]

  • Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’

    AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers.     Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]

  • ‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

    Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.   Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang […]