• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA LOOB NG HOTEL

WALONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 18-anyos na dalaga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa loob ng isang hotel sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Reselino Acaso, 50, Fredie Merin, 39, Cecilia Richard Reyes, 18, Neil Bryan Ella, 33, Remy Jaen Jr., 39, Ronald Paraan, 36, Arnulfo Abareco, 47, at Ricardo Rivas, 25.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P136,000 ang halaga, buy-bust money, P7,570 bill, 7 cellpones, ilang drug paraphernalias, 5 unit ng motosiklo, bisikleta, at isang kulay green na toyota vios (VL 1018).

 

Sa imbestigasyon ni PSSg  Ana Liza V Antonio, ala-1:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega ang buy-bust operation sa Room No.  5 Garden Inn, sa Brgy. Paso De Blas, ng lungsod.

 

Kaagad inaresto ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu isang pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money habang naaktuhan namang nagsa-shabu ang iba sa kanila sa loob ng kuwarto.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 31, 2021

  • Gilas Pilipinas sisimulan na ang puspusang ensayo sa Laguna

    MAGSISIMULA na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna. Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna […]

  • Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan: ANG UNANG BABAENG ALKALDE NG MAYNILA, MANUNUNGKULAN NA

    Sa katanghalian ng Hunyo 30 ng kasalukuyang taon, magsisimula ng manungkulan bilang bagong alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor Honey Lacuna habang magiging isa namang ordinaryong mamamayan si Mayor Isko Moreno Domagoso.     Si Mayor-elect Honey Lacuna ang kauna-unahang nahalal na babaing alkalde ng Lungsod ng Maynila, simula pa nang unang maupo […]