• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

 

 

Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at matatagalan pa bago makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

 

 

Dahil dito, plano aniya ng pamahalaan na pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila upang maabot ang target na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng kanilang target population pagsapit ng Pasko.

 

 

“Ngayon dito sa Metro Manila nasa 80% na tayo. ‘Yung ibang probinsya outside NCR, nasa 18%, nasa 30% so malayo pa,” ayon pa kay Año.

 

 

Kaugnay nito, sinabi rin ng DILG chief na bukas, Biyernes, ay magdaraos sila ng pulong, kasama ang mga regional directors mula sa mga concerned government agencies at mga piling alkalde at go­bernador, upang talakayin ang pagpapaigting pa ng vaccination program sa mga probinsiya.

 

 

Aniya, palalawakin pa ng pamahalaan ang vaccination sa Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Davao, at ma­ging sa iba pang lugar sa bansa.

 

 

Una nang iniulat ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na hanggang noong Oktubre 14, umaabot na sa halos 24 milyong katao o halos 32% ng target population ang fully-vaccinated na sa CO­VID-19.

 

 

Sinabi na rin naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes na hindi na problema ng bansa ang paghahanap ng suplay ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ngayon aniya ay mayroong mahigit 38 milyong doses ng bakuna sa mga bodega ng pamahalaan na handa nang maiturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa virus.

Other News
  • Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

    INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.     Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, […]

  • 3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST

    Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO para baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang produkto

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order na naglalayong baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang kalakal para pahinain ang ‘inflationary pressure’ at protektahan ang ‘purchasing power’ ng mga Filipino.       Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ang ilang kalakal gaya ng ‘animal products, plants, pharmaceutical needs, chemicals, […]