800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps
- Published on January 17, 2023
- by @peoplesbalita

Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero ay “outdated” at hindi na isaalang-alang ang impact ng COVID-19 pandemic.
Matapos aniya ang revalidation, natukoy nila na may 500,000 pang benepisyaryo ang mahihirap at eligible pa sa 4Ps.
“[O]ut of the 1.3 million, may 500,000 pa po na na-determine or na-tag as poor, still eligible sa 4Ps,” paliwanag pa ni Punay, sa news forum nitong Sabado sa Dapo Restobar sa Quezon City.
“So, all in all, matatanggal natin ay from 1.3 milion… is 800,000. So, 800,000 ‘yung expected natin na maalis sa listahan this year,” aniya pa.
Tiniyak naman ni Punay na ang mga matatanggal o magga-graduate sa 4Ps ay makakasama sa kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) na magkakaloob ng P15,000 livelihood assistance upang makapagsimula sila ng negosyo na mapagkukunan nila ng pangkabuhayan. (Daris Jose)