85% ng COVID-19 patients sa ICU, ‘di bakunado – DOH
- Published on January 4, 2022
- by @peoplesbalita
Mayorya o nasa 85 porsyento ng mga pasyenteng may COVID-19 na nasa intensive care units (ICU) ng mga ospital sa National Capital Region (NCR) ay hindi bakunado at nangangailangan ng mga ‘mechanical ventilators’.
“Over the week, we have noted a steady increase in hospital admissions in Metro Manila. Data from DOH hospitals in NCR [National Capital Region] shows that 85% of those in the ICU and requiring mechanical ventilators are not vaccinated at all,” ayon sa pahayag ng DOH.
Mula sa 231 noong Disyembre 24, umakyat sa 371 o 37% ang itinaas ng ‘intensive care unit (ICU) occupancy’ sa NCR.
Dahil dito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna na ang mga hindi pa nababakunahan at huwag nang magpatumpik-tumpik upang hindi na lumala pa ang kalagayan lalo ngayon na banta pa rin sa bansa ang Delta at Omicron variants.
Samantala, sinabi naman ng OCTA Research Group na nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng ‘pedriatic cases’ o mga bata na nahawaan ng virus dahil sa pagtaas ng pagkilos nitong nakaraang Kapaskuhan.
Sa ‘below 9 age group’, nakapagtala ng 224 kaso o 6.19% nitong Enero 1, habang sa ‘10-19 age group’ ay nakapagtala ng 233 kaso o 6.44%.
Pinakamataas naman na nahawaan ng virus ang ‘20-29 age group’ na may 1,123 kaso o 31.05% kasunod ang ‘30-39 age group’ na may 911 kaso o 25.19%.
-
Face-to-face classes sa NCR, sinuspinde
Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa rehiyon sa Alert Level 3 status dahil sa muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19. Sinabi ng DepEd na muli na lamang nilang ipagpapatuloy […]
-
P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals
Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup. Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang […]
-
Alegasyon ng transport group, Land Bank ayaw mag release ng fuel subsidy
BINATIKOS ng ilang grupo ng transportasyon ang pahirapang pagkuha ng kanilang fuel subsidy mula sa Land Bank of the Philippines (LBP). Ayon sa grupo na ayaw magbigay ng fuel subsidy ang LBP dahil sa election spending ban. Sinabi ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines […]