8K pulis ikakalat sa Metro Manila – NCRPO
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni National Capital Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony A. Aberin na magiging ligtas ang holiday season kung saan inaasahan ang dagsa ng mga tao sa mga transport terminal, pamilihan at mga simbahan.
Ang paniniyak ay kasabay ng pagpapakalat ng nasa 8,000 pulis sa mga strategic na lugar sa Metro Manila.
Sinabi ni Aberin na malaking tulong pa rin ang pagpapaigting at pagpapatupad ng police visibility laban sa mga kriminal. Aniya, kadalasang umaatake ang mga criminal tuwing holiday season kung saan marami ang abala sa pamimili.
Ayon kay Aberin, maglalagay din sila ng mga “Able, Active, and Allied” police sa mga police assistance desk upang agad na maayudahan at marespondehan ang sinumang nangangailangan ng tulong.
Payo ni Aberin sa publiko, agad na makipag-ugnayan sa mga pulis at ibigay ang tiwala sa kanila.
“Kakampi niyo ang mga pulis at huwag katakutan”, ani Aberin.
Aniya, maging ang mga force multipliers ay magiging katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad ngayong Kapaskuhan.
Kasabay nito, hinimok ni Aberin ang publiko na manatiling mapagbantay, lalo na sa mga matataong lugar, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad.
Dagdag pa ni Aberin, nais nilang masiguro na maipagdiriwang ng lahat ang Pasko ng masaya at ligtas. (Daris Jose)
-
Puring-puri sa pagiging Vice Governor: EJAY, magtatapos sa special course tungkol sa Local Governance
ISA ang aktor na si Ejay Falcon sa mga taga-showbiz na natagumpay na pasukin ang mundo ng pulitika. Kasalukuyang nakaupo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro si Ejay. Kahit na tuloy tuloy pa ring tumatanggap ng showbiz projects ay hindi rin naman napabayaan ng aktor/politician ang kanyang pagiging public servant. Kinayang pagsabayin ang kanyang trabaho […]
-
PAGCOR, PCSO tinintahan ang guidelines para sa pagpopondo sa Universal Health Care
SINABI ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lumagda ito sa isang joint circular kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa pagpapatakbo ng kani-kanilang alokasyon para pondohan ang Universal Health Care (UHC). Ang circular, kung saan nakadetalye ang operational guidelines para sa PAGCOR at PCSO para mag-remit ng pondo sa […]
-
Ads June 14, 2023