9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, kasuhan na – AFP chief
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
Nais ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na agad masampahan ng kasong murder at planting of evidence ang siyam na mga pulis na sangkot sa Jolo fatal shooting na ikinasawi ng apat na sundalo batay na rin sa rekomendasyon ng NBI.
Sa isinagawang Senate hearing, dismayado si Gen. Gapay na hindi pa nasasampahan ng kaso ang siyam na mga pulis na nasa likod sa pagpatay sa apat na sundalo noong June 29, 2020.
Sinabi ni Gapay na mahigit dalawang buwan na silang naghihintay para sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang siyam na pulis.
Ayon pa kay Gapay, tanging hiling ng mga pamilya ng mga namatay na sundalo na lalabas ang katotohanan hinggil sa insidente.
Sa ngayon ang siyam na pulis ay nananatili sa restrictive custody sa Camp Crame na dumalo naman sa pagdinig nitong araw ng Miyerkules.
Binigyang-diin ni AFP chief na nais nila mabatid ang totoong motibo at intensiyon sa pagpatay sa apat na sundalo.
Tinawag naman ni Gapay na “very unique” ang kaso ng Jolo shooting sa kabila ng magandang koordinasyon ng AFP at PNP.
Habang gumugulong ang pagdinig hindi naman matukoy ng mga sangkot na pulis kung sino ang unang nagpaputok sa mga sundalo.
Sinabi ng mga sangkot na pulis may hawak umanong baril si Major Marvin Indammog pero base sa imbestigasyon ng NBI at pahayag ng mga testigo walang armas si Indammog.
Samantala, sa panig naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa, nakahanda siyang isuko ang siyam na pulis sa korte sa sandaling maglabas na ng warrant of arrest.
Sinabi ni Gamboa mas maigi na ang mga ebidensiyang hawak ng NBI ay matalakay sa korte lalo na ang criminal charges.
Dapat din daw na ang korte ang magtukoy kung guilty sa criminal charges ang siyam na mga pulis. (Ara Romero)
-
Payo na maging patas, mapagpasalamat at tumulong… POKWANG, palaban na ina at lahat sasanggain para sa mga anak
DAHIL siya ay isang homemaker and loving mother kaya naman si Marietta Subong a.k.a. Pokwang ang napili ng owners ng Klio home products para maging endorser. Naganap ang contract signing at launching ni Pokie sa Max’s Restaurant Scout Tuazon branch last week. In a separate interview, tinanong naming si Ms. Pokie […]
-
Magho-host ang Pilipinas sa prelimnary leg ng Volleyball Nations League Tournament sa 2023
Muling magho-host ang Pilipinas ng isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon. Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Ang mga magkakalaban na koponan sa Philippine leg ng torneo ay ang Japan, […]
-
12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA
HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel. Ayon kay […]