9 pulis na sangkot sa Jolo shooting, nasa Camp Crame na
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Inilipat na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.
Saad ni Banac, personal na hinatid ni Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region chief Police Brigadier General Manuel Abu ang siyam na pulis sa Camp Crame.
Lulan aniya ang mga ito ng Cebu Pacific flight.
Maaalalang noong June 29, nasawi ang apat na sundalo sa pamamaril ng mga pulis.
Kasalukuyan naman itong iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation.
-
Blended learning sa maliliit na pribadong paaralan sa NCR, nasa kamay na ng IATF: DepEd exec
Nasa kamay na ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang blended learning sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila na may maliliit na populasyon ng mga mag-aaral, ayon sa Department of Education nitong Miyerkoles. Nang tanungin kung bukas ang DepEd sa pagpayag sa blended learning at ilang face-to-face interactions sa mga naturang paaralan, sinabi […]
-
Release order ni Pemberton, ipinadala na sa JUSMAG matapos pirmahan ni BuCor Dir. Bantag
Inaabangan na ngayon ang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Aguinaldo. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos nitong pirmahan ang release order ni Pemberton ay ipinadala na ito sa Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG). Sinabi ni Bantag na […]
-
COVID sa PNP 4,868 na
Umakyat na sa 4,868 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP), ayon sa ulat. Batay sa PNP, pumalo rin sa 3,396 ang nakarekober habang nananatili sa 16 ang nasawi. Kasalukuyan namang binabantayan ang 3,146 suspect at 735 probable cases.