• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.

 

Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, at Sens. Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, Grace Poe, at Manny Pacquiao.

 

Sa nasabing resolusyon, hiniling din sa National Telecommunications Commission (NTC) na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN Corporation habang dinidinig pa sa Kongreso ang kanilang prangkisa.

 

Sa paghahain ng resolusyon, ipinunto ng mga senador na ang pagsasara ng ABS-CBN ay magreresulta sa kawalan ng trabaho ng halos 11,000 mang-gagawa ng network.

 

“The removal of a market leader such as ABS-CBN would significantly impact not only on competition within the broadcasting industry, but also on the economy as a whole,” ayon sa resolusyon.

 

“In fact, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia was quoted as saying that the non-renewal of the franchise of ABS-CBN may affect investor confidence and get in the way of promoting diversity in the economy and fostering competition,” dagdag pa doon.

 

Kailangan din umanong magkaroon ng ‘intervention’ ang gobyerno para matiyak na makakapagpatuloy ang operasyon ng network habang nakabinbin ang deliberasyon sa franchise renewal nito sa Kongreso. (Daris Jose)

Other News
  • MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING

    TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman.   […]

  • CLAUDINE, puring-puri ng netizens sa trailer ng reunion movie nila ni MARK ANTHONY

    FINALLY, maipalalabas na ang Deception ang much-awaited reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na ihahatid ng Viva Films at Borracho Productions.     After 25 years, muling nagkasama sina Claudine at Mark sa pelikula na matagal na nilang wini-wish na matupad.     “Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, […]

  • Katuwang si MARJORIE at iba pang naniniwala sa plataporma: ANGEL, nagbahay-bahay para personal na ikampanya si VP LENI

    MAGKATUWANG sina Angel Locsin at Marjorie Barretto na nagbahay-bahay para personal na ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas.     Nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Mula sa pagbisita sa Marawi City ay pinangunahan […]