• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

90% ng populasyon ng mundo, may resistance na kontra COVID-19 – World Health Organization

INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na tinatayang nasa 90% na ng kabuuang populasyon ng mundo ang mayroon nang resistance kontra sa sakit na COVID-19.

 

 

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, bunga ito ng tuluy-tuloy na malawakang bakunahan sa iba’t-ibang panig ng daigdig laban sa nasabing sakit dahilan kung bakit nagkaroon na ng immunity ang bawat isa laban sa SARS-CoV-2.

 

 

Ngunit binigyang diin niya na hindi pa rin dito nagtatapos ang kalbaryo ng bawat isa patungkol sa “emergency phase” ng pandemya.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit palagian ang paalala nito sa publiko na dapat na magpatuloy ang testing, sequencing, at bakunahan laban sa nasbaing virus bilang paghahanda sa posibleng mga bagong variant of concern na maglipana na maaaring maging sanhi ng malaking bilang ng mga nasasawi na muling maitatala.

 

 

Batay kasi aniya sa datos, sa ngayon ay mayroon pa rin kasing nasa mahigit 500 highly transmissible Omicron sublineages na nagpapalipat-lipat at mas madaling makahawa kahit na hindi man gaanong malala ang epekto nito kumpara sa iba pang naunang variant ng nasabing sakit.

 

 

Habang nasa mahigit 8,500 katao naman ang niatalang nasawi noong nakaraang linggo mula sa magkakaibang bahagi ng mundo.

 

 

Kung maaalala, una nang iniulat ng WHO na batay din sa mga ulat mula sa iba’t-ibang bansa ay pumalo na sa 6.6 milyon ang bilang ng mga nasawi, mas mababa kumpara sa 640 milion registered cases noong unang beses na tamaan ng COVID-19 ang mga ito.

 

 

Ngunit ayon naman sa UN health agency, ang bilang na ito ay isang malaking undercount, at hindi sumasalamin sa totoong bilang nasabing datos.

Other News
  • Antipolo Cathedral naghahanda para sa pagiging International Shrine na

    NAGHAHANDA  na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.     Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.     Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din […]

  • Suportado nina Ice, Lara at Martin: RYAN GALLAGHER, magtatanghal ng first major concert sa Manila

    MAGHANDA para sa isang pasabog na concert ng The Voice USA season 19 Fan favorite na si Ryan Gallagher sa “The Voice of Ryan” na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 17, 2024.   Kilala sa kanyang nakakaakit na classical voice, at sa nakakikilabot na pag-awit nya ng “The Prayer” ni Andrea Bocelli at Celine […]

  • ‘I am excited about the first day’ – Durant

    ‘Excited’ na raw na muling makabalik sa game ang NBA superstar na si Kevin Durant sa ilalim ng bagong team na Brooklyn Nets.   Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, sabik na siyang muling tumuntong sa court at sa maisuot ang kanyang jersey.   Kung maalala 2019 nang dumanas […]