• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023

TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023.

 

 

Ayon kay LTO Chief  Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon.

 

 

Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng backlog pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.

 

 

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagama’t ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon.

 

 

Gayunman, nananatiling positibo ang LTO Chief na maaaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga backlog ng plaka ng sasakyan.

 

 

Sa ngayon ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting background ang kailangang matapos. Mayroon namang 11.5 milyon ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.

 

 

“Right now, we have already extended the ope­rating hours of the LTO license plate manufacturing plant. It now operates even on Saturdays so that it can produce more replacement plates and reduce the backlog,”ayon kay LTO chief Guadiz.

 

 

Batay sa datos ng LTO Plate Plant, umaabot na sa mahigit 300,000 pares ng replacement plates ang nagawa hanggang noong Oktubre 3 ng kasalukuyang taon. Nagsimula ang produksyon ng replacement plates nitong Mayo.

 

 

Samantala, binigyang-diin ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para sa mga bagong rehistrong sasakyan.

 

 

Kaugnay naman ng sinisingil ng LTO para sa replacement license plates, sinabi ni Guadiz na idinideposito ito sa National Treasury araw-araw at kung kakailanganin ng pondo para sa paggawa ay hinihingi ito sa Kongreso o sa DBM. (Daris Jose)

Other News
  • P11 BILYON HALAGA NG ILLEGAL DRUGS TINURN OVER NG NBI SA PDEA

    AABOT  sa halagang P21 bilyong ilegal na droga ang itinurn over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).     Ayon kay NBI OIC-Director ERIC B. DISTOR ang nasabing hakbang ay alinsunod sa kautusan ng  Regional Trial Court sa ilalim ng Fourth Judicial Region ng Infanta, Quezon.     Sa […]

  • Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS

    HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS).     Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.   […]

  • Ads November 15, 2022