95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.
“As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.
“I expect mga 100 million more or less, so mga 95% to 96% na tayo,” ayon kay Uy nang tanungin ukol sa bilang ng mga registrants na patuloy na hinihintay ng DICT para magparehistro at porsiyento ng kabuuang registration.
Buwan ng Abril, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% registration ng 168 million SIM owners.
Tinukoy ang mga karanasan mula sa ibang bansa na nagpatupad ng SIM registration, sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan na ang average percentage ng registered subscribers ay 70% lamang.
Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang users ay mayroong 180 araw, o hanggang Abril 26, 2023, para iparehistro ang kanilang SIMs o harapin ang panganib na ma- deactivate ang kanilang SIM card.
Gayunman, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng SIM registration period, epektibong inilipat ang deadline sa Hulyo 25, 2023.
Ang kabiguan na magparehistro ay magreresuta ng deactivation ng SIMs.
Sa oras na na-deactivate ang SIM, mapipigilan na ang subscriber na makatanggap at makapagpadala ng tawag at text messages at maka- access sa mobile applications at digital wallets. (Daris Jose)
-
President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho
DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio. Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan. Pinangunahan ito […]
-
Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin
NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos. Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC). Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]
-
Higit P5.1- M halaga ng ecstasy tablets nasabat ng PDEA sa QC; 2 babae arestado
NASA mahigit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Quezon City nitong gabi ng Sabado. Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang babaeng drug suspek. Ikinasa ang operasyon matapos sabihan ng mga custom official mula […]