• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MALAKI ang pasasalamat ni Ivorian cager Kakou Ange Franck Williams Kouame sa paghirang sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) upang magsilbing naturalized player ng national men’s basketball team o Gilas Pilipinas.

 

 

Inaprubahan sa nakalipas na linggo sa isang online forum sa pangunguna ni committee chairman Sen. Richard Gordon ang Senate Bill No. 1692 para sa naturalization ni Kouame at SB No. 1391 para kay Spaniard footballer Bienvenido Marañon.

 

 

Alam ni Kouake, kilala ring Angelo o Ange na long term ang magiging serbisyo niya sa PH quintet kaya ready ang 23-year-old, 6-10 center  sa anumang hirap na kanyang mga mararanasan.

 

 

Inaasam niyang niyang makapantay ang kalibre ng mga kinunsidera sa naturalization na sina Philippine Basketball Association (PBA) imports Justin Brownlee ng Barangay Ginebra San Miguel at Chris McCullough ng San Miguel Beer.

 

 

Kaya nangako siya kamakalawa na kakayod at patutunayang hindi nagkamali ang SBPI sa pagkakapili sa kanya lalo’t maayos din naman ang pasuweldo. (REC)

Other News
  • TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates

    HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan.     Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]

  • Ads November 7, 2023

  • ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU

    HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.   Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]