9K pulis ikakalat sa 1,106 checkpoints sa ‘NCR Plus’
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Magpapakalat pa ng karagdagang 9,356 pulis ang Philippine National Police sa mga quarantine control checkpoints na sakop ng NCR Plus bubbles.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Binag, paparahin sa 1,106 checkpoints sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang mga motorista simula kahapon, Lunes.
Tiniyak ni Binag na magiging “flexible” ang mga pulis sa pagpapatupad ng regulasyon at maximum tolerance upang maiwasan ang anumang gulo.
“Gagawin natin ito para matulungan mapababa ang COVID-19 hindi para hadlangan ang mga kababayan. Yung arrest, maliban na lang kung maging hostile,” ani Binag.
Aniya, paaalalahanan sa protocol, iisyuhan ng tiket, dadalhin sa gym at bibigyan ng lecture ang mga maaaresto.
Tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) o essential workers lamang ang palulusutin sa mga entry and exit checkpoints hanggang sa matapos ang ECQ sa Abril 4.
“Pag APOR sila palulusutin, pag UPOR (Unauthorized) pababalikin sila. Kaya nakikiusap kami na huwag na sila mag-insist, huwag na lumabas kasi pababalikin talaga namin sila,” dagdag pa ni Binag.
Hindi na rin kukunan ng body temperatures ang mga APOR. Kailangan lamang na magpakita ng ID o certificate of employment. (Daris Jose)
-
Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture
PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa. Saklaw […]
-
Ads September 28, 2021
-
MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA
Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot. Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV […]