• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tradisyunal na pag- oobserba ng Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 – Malakanyang

HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.

 

Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.

 

Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na rin sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag- oobserba ng nabanggit na okasyon.

 

“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin ng mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.

 

Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makakatulong aniya ang ilang araw na kuwaresma KUNG i-oobserba lang ang nakaugaliang pag- aalaala dito.

 

“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Laguna trips ng PNR suspendido; DOTr baka kanselahin ang loan agreement sa China

    SINUSPINDE ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito sa Laguna simula noong nakaraang Huwebes habang ang mga bagon ay sasailalim sa maintenance works.       Ginagawa ang maintenance upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ayon sa Department of Transportation (DOTr).       Ayon sa DOTr ang train na umaalis ng 6:30 […]

  • Ads February 23, 2021

  • 3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

    HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]