• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo

MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas,  Japan at Indonesia.

 

 

Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial hoopfest.

 

 

Pinatutumbukan niya sina National Basketball League (Australia)-bound 7-foot-3 Kai Zachary Sotto, newly-naturalized 6-10 Kakou Ange Franck Williams ‘Angelo’ Kouame at US National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school (Toledo) at dating Batang Gilas member 6-10 Ariel John ‘AJ’ Edu.

 

 

“Malakas ang tatlong  iyan,” wika ng six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player na naglalaro sa San Miguel Beer sa 2OT podcast nitong isang araw.

 

 

Kinukunsidera pa rin ng SBP ang 31-anyos at 6-10 na sentro buhat sa Cebu na sumabak sa Pinoy quintet sa World Cup, pero iyon aniya ay depende na lang sa kanyang kalagayan kapag dumating ang nasabing panahon.

 

 

“Maglalaro ako kasi makaling karangalan, pero depende kung ano ang takbo ng panahon. At kung puwede pa naman akong maglaro,” wakas na wika ni ‘The Kraken’ na beterano na ng dalawang World Cup noong 2014 sa Spain at 2019 sa China. (REC)

Other News
  • “Migration” is Illumination’s latest original comedy that families shouldn’t miss

    In “Migration,” the Mallard family is led by dad Mack (voiced by Kumail Nanjiani), who is content to keep his family safe paddling around their New England pond forever, and mom Pam (Elizabeth Banks), who prefers to shake things up and show their kids—teen son Dax (Caspar Jennings) and duckling daughter Gwen (Tresi Gazal)—the whole […]

  • Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del […]

  • ‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists

    WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono.   Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si […]