• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

 

 

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

 

 

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

 

 

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

 

 

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

 

 

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

 

 

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

 

 

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose  habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

 

 

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

 

 

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Other News
  • Panukalang forfeiture ng illegally acquired foreign-owned real estate, inihain

    ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay otorisasyon sa gobyerno na kumpiskahin ang mga unlawfully acquired real estate properties ng foreign nationals, partikular ang mga sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).     Ang House Bill (HB) No. 11043, o “Civil Forfeiture Act,” ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy […]

  • Madalas silang nag-aabot sa mga race: BUBOY, itinuring na mahigpit na kalaban ni KOKOY sa ‘Running Man PH’

    BUKOD nga sa napakalamig na klima sa South Korea at unang beses na makaranas ng snow, nagkuwento si Kokoy de Santos ng karanasang hindi niya malilimutan habang nagsu-shoot sila para sa Season 2 ng Running Man Philippines.       Dito namin napag-alaman na matatakutin pala si Kokoy.     Sa trailer ng Running Man […]

  • Mga bikers na walang suot na helmet sa Kyusi pag mumultahin na

    NAGSIMULA na kahapon ang pag-iral ng ordinansa sa Quezon City na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng bike helmet.   Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-2942 o Mandatory Wearing of Bike Helmet, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P300 para sa 1st offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense.   Bago […]