‘Home quarantine’ bawal muli sa Maynila
- Published on July 20, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbabawal muli sa “home quarantine” dahil sa pagkakatuklas sa dalawang kaso ng mas mapanganib na Delta variant sa siyudad.
Sakop ng hindi na pinapayagan sa home quarantine ay ang mga indibiduwal na kinakakikitaan ng sintomas ng COVID-19 at maging ang mga asymptomatic na pasyente.
Umapela ng suporta at pakikipagtulungan si Moreno sa mga apektadong residente dahil para sa kaligtasan ng mas nakararami ang nakataya dito sa muling pagbabawal sa pananatili sa bahay ng mga maysakit. Binigyan niya ng direktiba si Dr. Ed Santos, assistant chief ng Manila Health Department (MHD) na hanapin ang lahat ng mga asymptomatic na pasyente na kasalukuyang nagho-home quarantine at sunduin.
Isasailalim din sa pagsusuri ang mga pasyente upang nabatid kung may taglay na variant ang dumapo sa kanilang virus at dadalhin sila sa Manila COVID-19 Field Hospital upang doon gamutin at pagalingin.
Unang pinayagan ng MHD ang mga pasyenteng asymptomatic na mag-home quarantine basta napatunayan nilang may espasyo sila sa bahay para mahiwalay sa ibang kasambahay habang nagpapagaling.
Iniulat naman ng MHD na pawang negatibo ang mga nakasalamuha ng dalawang nag-positive sa Delta variant sa Maynila sa kanilang ikinasang contact tracing.
-
PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco
PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco para kamustahin ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga rehistradong Navoteño PWDs kung saan nakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P3,000. Nagpasalamat naman si Tiangco kay President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez dahil sa naturang programa. (Richard Mesa) […]
-
33 government officials sinuspinde ng 6 buwan sa Pharmally mess
Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang 33 opisyal ng pamahalaan kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng pandemic supplies noong 2020 at 2021 o noong kasagsagan ng COVID-19. Kabilang sa mga sinuspinde si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong na dating procurement group director ng Department of Budget and […]
-
MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU
TUMULAK pa sa Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City. Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan […]