• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AIKO, nanawagan na maging mas mabait at maunawain sa mga delivery riders; never siyang nang-away o nag-report

NAG-POST ang premyadong Kapuso actress na si Aiko Melendez ng kanyang saloobin at panawagan na rin sa lahat na palaging nagpa-deliver online.

 

 

Sa official Facebook page niya, may pakiusap siya na sana mas maging mabait at maunawain tayo sa mga riders, lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

Aminado naman si Aiko na palagi siyang nagpapa-deliver ng foods at iba pang supplies para sa bahay sa pamamagitan nga ng online delivery apps.

 

 

May mga pagkakataon din na tulad ng naranasan ng marami na hindi siya satisfied sa idineliver pero never daw siyang nang-away o nag-report ng mga delivery riders.

 

 

Panimula ng aktres, “Madalas akong magpadeliver sa mga delivery food apps, Like Grab, Lalamove, Toktok at iba pa…

 

“Minsan me mga deliveries sila sa akin na di ako satisfied. Pero hindi ako aabot sa oras na icall out ko pa sila. Kasi kung tutuusin unti lang naman ang kinikita nila. Dito pumapasok ung pabayaan nyo nalang ang mga maliit na

bagay.” 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Aiko, “Lalo na kapag mas nakakaluwag tayo than them diba.

 

 

Nahaharap tayo sa isang situation na di naten lahat gusto, Yan ang pandemya.

 

 

“Maraming pagkakataon ang dami ko gusto sabihin o share na sinasaloob ko na lang lalo na kung di naman ako umaabot na maghihirap ako sa mga pagkakataon na di ako masaya sa mga maliliit na bagay.

 

 

“Sa rami ng walang trabaho ngayon wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaaring maglagay sa tao na mawalan sya ng pinagkakakitaan. 

 

 

“Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan,” sabi pa ng aktres gamit ang hashtag na #AikoLangNamanYan.

 

 

Marami naman ang sumangayon sa pananaw na ito ni Aiko, kaya sana maghinay- hinay tayo sa pag-i-estima sa mga delivery riders na sa totoo lang malaking tulong sa atin.

 

 

Anyway, sa latest post ni Aiko na soon ay mapapanod uli sa book 2 ng Prima Donnas ng GMA-7, patuloy siyang nagpapaalala sa mga tao na mas maging maging sa para hindi mahawa sa COVID-19 nag-alay din ng panalangin.

 

 

“Covid 19 Delta and Lambda Variants are now circulating in everyone’s home and communities. With a sad heart but with a strong faith in Almighty God today I kneel down in prayer, asking for a full recovery of those with covid19; its variants, who are in pain. 

 

 

“Lord I’m asking You to protect and cover us with Your mercy and let your grace flow to us.

 

 

“Lord, protect and strengthen us, the elderly, homeless, unemployed, sick, frontliners, caregivers and all who are exhausted.

 

 

“Let us be united in praying for one another. Almighty God bless us, and please put an end to our misery. In Jesus name, we pray.

 

 

Amen!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Isa patay, 52 sugatan sa gumuhong ikalawang palapag ng isang simbahan sa Bulacan

    NAKAPAGTALA  na ng isang patay at umakyat na sa 52 ang sugatan sa nangyaring pagguho ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte, Bulacan sa kasagsagan ng misa para sa Ash Wednesday ngayong araw.     Ayon kay Mayor Arthur Robes, kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na […]

  • Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa

    Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan.     Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]

  • Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap: JUANCHO, honored na nanalong best supporting actor sa TAG Awards

    MASAYANG nagbabakasyon si Kapuso actor Juancho Trivino with his wife Joyce Pring and their baby boy sa Tokyo, Japan last Christmas, nang matanggap niya ang magandang balita.      Nanalo siyang Best Supporting Actor for his stellar work as Padre Salvi in the historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” sa TAG Awards […]