• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas

NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea.

 

Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu vaccine.

 

“We in the Philippines, we also undertake AEFI (Adverse Events Following Immunization) or regular surveillance with flu vaccine and as of this time there’s no reported AEFI with flu vaccine in the country,” ani Dr. Beverly Ho, DOH Director IV sa isang media forum noong Biyernes.

 

Ayon sa opisyal, sinuri na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang logs and batches ng flu vaccines na dumating sa bansa, pero wala sa mga ito ang vaccine brands na ginamit sa South Korea.

 

Nauna nang ipinahinto ng Singapore Health Ministry at kanilang Health Sciences Authority ang paggamit ng flu vaccines na SKYCellflu Quadrivalent at VaxigripTetra.

 

“Our flu vaccines are safe and the national immunization program of DOH will continue to push through as planned, and other vaccination activities. We’ll monitor and issue future issues or warning when it will be needed.”

 

Sinabi ng Korea Disease Control and Prevention Agency na karamihan sa mga namatay ang nasa pagitan ng edad 70 hanggang 80-anyos. FLU VACCINE SHORTAGE?

 

Samantala, aminado ang FDA na nagkakaroon ng aberya sa supply ng ilan pang bakuna dahil sa laki ng demand.

 

Ayon kay Usec. Eric Domingo, director general ng FDA, tumaas ang demand sa flu at pneumonia vaccines sa bansa dahil sa takot ng ilan sa COVID-19.

 

“We checked with vaccine suppliers and wala naman silang sinasabi na shortage ng supply.”

 

Kamakailan nang umapela sa DOH si Quezon Gov. Danilo Suarez para tulungan ang probinsyang makapag- angkat ng bagong supply ng flu vaccines.

 

Pero paliwanag ni Domingo, maaaring lumapit sa regional office ng Health department ang lokal na pamahalaan para matulungan silang makabili ng bagong flu vaccine supply.

 

“Siguro kailangan lang nilang magpatulong sa regional office ng DOH. Kasi syempre ang common na binibentahan kasi ng mga suppliers ng vaccines would be governments and hospitals, and of course doctors.”

 

“As of now there’s no reported flu vaccine shortage in the country.”

Other News
  • CURFEW SA ADULTS INALIS NA SA NAVOTAS

    INALIS na ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na General Community Quarantine alert level 2 sa Metro Manila.     Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 MN – 4:00 AM curfew sa lungsod, alinsunod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) […]

  • Palasyo ng Malacañang, bukas na sa publiko

    BINUKSAN  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.     Sa talumpati ni Marcos sa isinagawang pamimigay ng regalo sa Rizal Park, Maynila, muling ­inanyayahan ni Marcos ang publiko na bisitahin ang Malacañang at lahat ay maaaring pumasok.     “Welcome kayong lahat. […]

  • Landbank, nag-remit ng P50B para sa Maharlika fund

    NAG-REMIT ang state-owned Land Bank of the Philippines sa Bureau of the Treasury (BTr) ng mandatory contribution nito para sa initial capital ng Maharlika Investment Fund (MIF) .      Ang MIF ang “very first sovereign wealth fund” ng bansa.     Sinabi ng Landbank na nag-remit o nag-entrega ito sa BTr ng P50-billion contribution para sa Maharlika […]