• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 at Pacman, nagpulong sa Malakanyang, nagkabati na

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nangyaring pulong noong Nobyembre 9 sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Manny Pacquiao.

 

” It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, naroon din sa pulong si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

 

Tiniyak ni Sec. Roque na walang napag-usapan ukol sa pulitika kundi “renewal of friendship.”

 

Ang importante rin aniya ay pulong ito sa pagitan ng dalawang national leaders mula Mindanao, kung saan ay pinag-usapan ang ilang bagay na may kinalaman sa concern ng mga mamamayan sa kanilang lugar lalo na aniya sa larangan ng imprastraktura at power industry.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng Tanggapan ni Pacquiao.

 

Sinabi naman ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na mabilis lamang ang nasabing pulong na ni- request ng kampo ni Pacquiao.

 

“Kamustahan lang, maikli na usapan, renewal of friendship, walang pulitika,  importante nagkausap sila ni PRRD. Kami naman ni Manny , kaibigan naman kami ni kumpare,” ayon kay Go sa isang text message. (Daris  Jose)

Other News
  • Patay sa pagsabog sa Lebanon higit 70 na, halos 4,000 sugatan

    Nasa 78 katao na ang patay at mahigit 3,000 katao ang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon.   Sinabi ni Health Minister Hamad Hassan, agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima.   Nagpakalat na rin sila ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naipit sa pagsabog. […]

  • Mga kaso ng OSAEC, hindi dapat inaayos sa barangay level-Abalos

    SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na hindi dapat inaayos ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa barangay level.     Sa katunayan, hinikayat ni Abalos ang publiko na dalhin ang ganitong uri ng insidente sa law enforcement authorities dahil karamihan sa mga kaso ng online sexual abuse laban sa mga […]

  • GERMAN NATIONAL, ARESTADO SA MULTI-MILLION-EURO SCAM

    NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Israeli national na nahaharap sa 200 na reklamo na isinampa ng mga German victim dahil sa kasong sangkot sa multi-million -euro investment scam.       Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente, si Kfir Levy, 43 ay kasalukuyang naka-detain sa BI Custodial Center matapos itong naaresto sa […]