• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Badyet ng NTF-ELCAC katumbas ng 38M relief packs

NANINIWALA si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malaki ang maitutulong sa realignment o paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa relief operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Rolly.

 

Kung ililipat umano ang P19.1 bilyong badyet na hinihingi ng NTF-ELCAC at gamitin ito pambili ng relief packs ay makakagawa aniya ito ng nasa 38.2 milyong packs para sa mahigit dalawang milyong katao na naapektuhan ng bagyo.

 

Ayon sa mambabatas, ang relief packs ay maglalaman ng nasa 8 kilo ng bigas, 10 de lata, 5 sachets ng 3 in 1 coffee at 5 sachets ng powdered cereal drink at iba pa.

 

“Our people, especially in the Bicol region, are so devastated that it would take months and even years for them to recover. If realigned, funds from the NTF- ELCAC can also be used to build the houses and infrastructure for our affected brethen,” anang mambabatas.

 

Muli itong nanawagan sa senado na alisan ng pondo ang NTF-ELCAC at ilipat ito bilang pondo para itulong sa sinalanta ng bagyo. (Ara Romero)

Other News
  • PAGSASARA SA MGA SHOPPING MALLS, PINAG-AARALAN PA

    WALA pang plano  ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod.

  • Kai ensayo agad sa Australia

    Todo kayod na si Kai Sotto kasama ang A­delaide 36ers para paghandaan ang pagsabak ng tropa sa National Basketball League (NBL) Australia na magsisimula sa Nobyembre 18.     Ilang larawan ang nagsulputan sa social media kung saan nakasalamuha na ni Sotto ang ilang staff ng 36ers.     Simula nang dumating ito sa Australia, […]

  • Ads February 3, 2022