• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata pinagbabaril sa Malabon, dedbol

TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jamaicoh Loren Solis alyas “Maicoh”, ng 654 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila.

 

 

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Paros Alley, Block 8, Phase 3, Brgy., Longos.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Padas Alley, Caloocan City habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala, isang fired bullet at isang metallic fragment mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • HORROR HIT “INSIDIOUS: THE RED DOOR” TO HOLD MORE MIDNIGHT SCREENINGS THIS WEEKEND

    WHEN is the most terrifyingly good time to watch a horror movie? At midnight… in an empty mall… with friends! Due to popular demand, Insidious: The Red Door will hold midnight screenings this weekend, July 15 and 16, on even more screens than on the film’s opening day and opening weekend. As more and more […]

  • LUIS, maraming pinagdaanan at inamin na nagkahiwalay sila ni JESSY habang may pandemya

    KUNG tutuusin, masuwerte si Luis Manzano dahil hindi naging hadlang ang pandemya para ma-achieve niya ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya.     Engagement at kasal nila ni Jessy Mendiola. Then, hindi rin siya nawalan ng work at may sariling business na nagtuloy-tuloy lang din at mga endorsements.     Pero sa […]

  • Happy 38th Anniversary People’s Balita