DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products
- Published on April 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS).
Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo na layunin ng department administrative order 22-01, series of 2022 na tiyaking ligtas, dekalidad, at sumusunod sa mga itinakdang requirements ng Bureau of Philippine Standards (BPS) at Department of Energy (DoE) ang lahat ng energy consuming products na ginagamit ng mga kababayan nating consumers.
Sinuportahan aniya nito ang implimentasyon ng Republic Act No. 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act na nagmamandato naman sa mga manufacturer , importer, at dealer na mag-comply sa minimum energy perform ance (MEP) standards.
Layunin din nito na ipakita ang energy label at efficiency label ng mga produkto sa packaging nito para magsilbing reference ng mga mamimili.
Kabilang sa mga produktong saklaw ng nasabing kautusan ay ang mga room air-conditioners (RACs), refrigerators, television sets. fluorescent lamps, at marami pang iba.
-
DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget
“ANONG umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?” Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa […]
-
Paglilinaw ni PBBM: Pakikipagpulong kay Blinken, hindi sinadya para manalo sa labanan sa West Philippine Sea
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay United States Secretary of State Antony Blinken at panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang magwagi sa labanan sa rehiyon. Sinabi ito ng Pangulo bago pa ang nakatakdang pagbisita ni Blinken sa Maynila sa darating na Martes, Marso […]
-
PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu. Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor na ML FAIDA sakay ang siyam nitong tripulante. Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety […]