• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC tutulungan ang mga national athletes, coaches

Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national athletes at coaches na naapek­tuhan ng pagragasa ng bagyong ‘Ulysses’.

 

Ayon kay PSC National Training Director Mark Velasco, nakikipag-usap na sila sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa katayuan ng kani-kanilang mga atleta at coaches.

 

“We are coordinating with the different NSAs to account their athletes or coaches who might be affected,” wika ni Velasco. “PSC will surely extend what it can to these affected athletes or coaches.”

 

Kabilang ang mga national athletes at coaches ng canoe/kayak at dragonbat at rowing sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’ sa Cagayan, Isabela, Marikina, Pasig, Bicol at Rizal.

 

Nagsasanay ang canoe/kayak team sa Taytay, Rizal  habang nag-eensayo naman ang mga national rowers sa La Mesa Dam.

 

Binaha ang quarters ng 33 miyembro ng national canoe/kayak team pati na ang anim nilang coaches, samantalang hindi naman nakapag-ensayo ang ro­wing squad dahil sa pagbaha sa La Mesa Dam.

 

Sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic noong Marso ay pinauwi ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga national athletes at coaches na nakatira sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at Philsports Complex sa Pasig City sa kanilang mga probinsya.

 

Hindi pa sila nakakabalik sa RMSC at Philsports dahil ipinagbabawal pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) pagbabalik-ensayo ng mga atleta.

Other News
  • Delivery rider, 1 pa kulong sa 470K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang delivery rider na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District […]

  • Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

    Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.   Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]

  • McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown

    Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon.     […]