Marcos, pinag-uusapan na ang posibleng appointments ni Rep. Marcoleta, Prof. Carlos
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
MASUSING kinakausap na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at retired UP Professor Clarita Carlos kaugnay sa potential appointments sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa press briefing, sinabi ni Marcos na hinihintay pa niya ang tugon nina Marcoleta at Carlos sa kung ano ang magiging roles o gampanin na nais ng mga itong gawin sa gobyerno.
“I always asked them back where do you feel you would be the most useful. So all of them, si Ka Dante Marcoleta, I asked him the same question. And I am waiting for his answer,” anito.
Idinagdag pa ni Marcos na ang “legal prowess” ni Marcoleta ay malaking gamit sa pamahalaan.
Si Marcoleta, kinatawan ng SAGIP party-list, ay tumakbong senador sa ilalim ng Marcos’ ticket sa 2022 elections subalit umatras mula sa race sa kalagitnaan ng campaign period, lumabas na may “poor performance” sa pre-election surveys.
At para naman kay Carlos, isang political science professor, sinabi ni Marcos na makatutulong ito sa kanyang administrasyon sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa foreign policy at international politics.
“The propesora, of course, we’ve been in consultation with her and asking her. And again, it’s the same question, where do you feel that you will be the most help? And again we’re waiting for that answer,” ayon kay Marcos.
Samantala, patuloy namang nasa proseso ng pagbuo ng gabinete si Marcos kasunod ng kanyang landslide victory noong May 9 elections.
Sa kasalukuyan, pinangalanan ni Marcos si Vice President-elect Sara Duterte sa Department of Education, dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos Jr. sa Department of the Interior and Local Government, Cavite Rep. Crispin Remulla sa Department of Justice, Arsenio Balisacan sa National Economic and Development Authority, Bienvenido Laguesma sa Department of Labor and Employment, at Susan Ople sa bagong nilikhang Department of Migrant Workers.
Sinabi rin ni Marcos na tinapik na rin niya sina Fred Pascual, Manuel “Manny” Bonoan, central bank governor Benjamin Diokno, at Felipe Medalla para pangunahan ang Department of Trade and Industry, Department of Public Works and Highways, Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Napili rin ni Marcos si dating Cong. Anton Lagdameo bilang kanyang special assistant sa oras na pormal na maupo na ito sa kanyang posisyon bilang Pangulo ng bansa. (Daris Jose)
-
Spurs sunog sa Heat
KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs. Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37). May 27 points din si Jimmy Butler […]
-
Smoke emission test kailangan pa rin sa LTO
Nilinaw ng Malacanang na kailangan pa rin ang smoke emission test kahit na hindi na mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagrerehistro at renewal ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO). “We have just a clarification. While the President said that motor vehicle inspection must be suspended, there is still a […]
-
Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque
MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong. Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa. “There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque […]