Jeepney drivers nagbabala na hihinto ng operasyon
- Published on June 9, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng babala ang mga jeepney drivers na sila ay hihinto sa kanilang operasyon ngayon linggo upang iprotesta ang tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong gasolina.
Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ang mga miyembre na kasama sa kanilang asosasyon ay umaangal na sa mga nagaganap na pagtaas ng presyo ng krudo sa mga nakalipas na buwan.
“The P6.50 increase in diesel and P2.70 in gasoline per liter may force us to stop operating to avoid further losses in our operations,” wika ng Piston.
Sa ngayon, ayon na rin sa kanila, ang mga drivers ay halos wala ng kinikita dahil sa situasyon ngayon. Halos lingo-linggo na lamang ay nagtataas ng presyo ng krudo at oil products ang merkado.
“If you look at it, its as if the big oil companies are already insulting the Filipino people because there are days that prices are decreased and then increased,” saad ni Piston national president Modesto Floranda.
Ganon din ang sentimiento ng samahang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Pejodap). Sa ngayon, marami na sa mga jeepney drivers ang naghahanap na ng iba trabaho at source ng kanilang kabuhayan.
May darating na naman na pagtataas ng presyo ng produktong petroleum ngayon linggo kung saan ang mga kumpanya ng langis ay naganunsyo ng pagtataas ng diesel na P6.30 hanggang P6.50 kada litro at P2.50 hanggang P2.70 kada litro ng gasoline. Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na nagtaas ang presyo ng diesel ngayon linggo.
“While the transport groups have been asking the government to suspend the collection of excise tax and value-added tax on oil products for months, jeepney drivers have continued to operate with no choice despite the increases in fuel,” dagdag ni Floranda.
Sinabi naman ni Fejodap national president Boy Rebano na ang ibang transport groups ay nagbabalak ng gumamit ng electric jeepneys bilang isang alternatibong transportasyon sa tumataas ng presyong petrolyo.
“It will be punishing to drivers and operators to switch to electric jeepney but we can’t see any other alternative other than this. If we’re always going to be dealing with price increases, then its going to kill us, especially drivers who are suffering the most in this situation,” wika ni Rebano.
Samantala, umaapela naman ang pamahalaan sa mga grupo ng transportasyon na huwag na nilang ituloy ang kanilang plano na huminto ng kanilang pasada dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.
“We appeal to jeepney drivers and operators not to push through with their plan to halt trips this week. The government is doing what it can do to help drivers and operators amid the rising oil prices,” sabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar.
Patuloy pa rin ang pagbibigay ng fuel subsidies sa sektor ng transportasyon na apektado ng mataas ng presyo ng produktong petrolyo. Hanggang noong June 1, may 180,000 ng mga drivers at operators sa sektor ng pampublikong transportasyon ang nabigyan ng fuel subsidies. LASACMAR
-
‘The Seed of Love’, three years in the making: RICKY, ipinapasa lang ang natutunang style kay Direk LINO
KUNG ano raw ang natutunan ni Ricky Davao sa kanyang mentor noon na si Direk Lino Brocka, iyon din daw ang ipinapasa niya sa kanyang mga dinidirek na artista. Naging direktor ni Ricky si Direk Lino sa dalawang pelikula na ‘White Slavery’ (1985) at ‘Natutulog Pa Ang Diyos’ (1988). Marami raw siyang nakuhang […]
-
P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas. Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.” “The embassy has a standby […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon. Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]