• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot

PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi.

 

 

“Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis.

 

 

Kumolekta si Utah Jazz star Jordan Clarkson ng 23 points, 5 rebounds at 5 assists para muling banderahan ang Gilas Pilipinas na naglista ng 3-3 record sa Group E.

 

 

Humakot naman si 7-foot-2 Kai Sotto ng 16 points, 13 rebounds at 4 blocks para sa pagbangon ng koponan mula sa 81-85 kabiguan sa Lebanon.

 

 

Sa kabila ng kumbinsidong panalo sa Saudi Arabia ay ikinalungkot ni Pangilinan ang pag-boo at pamba-bash ng mga netizens kay coach Chot Reyes.

 

 

“Sad to hear reaction of OUR crowd to Coach Chot,” wika ng sportsman/businessman sa mga pambabatikos na natatanggap ng nine-time PBA champion coach mula sa mga fans.

Other News
  • PBBM, personal na nakiramay sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo

    PERSONAL na nakiramay si  Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.     “I just came here here para makiramay sa family ni governor. Nagtatanong lang kami kung ano ba yung kailangang gawin para matulungan yung mga biktima pati yung mga nasa ospital ngayon,” ayon sa Pangulo. […]

  • Komunidad ng Bicol region makikinabang sa programa ng Anti-Insurgency Fund next year

    TINIYAK ng Malakanyang sa mga typhoon-hit communities sa Bicol region na makikinabang ang mga ito mula sa programa sa ilalim ng Anti-Insurgency Fund ng pamahalaan para sa susunod na taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang pangangailangan na mag-realign ng bahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) P19- […]

  • P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group

    NANAWAGAN  kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.     Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan […]