• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, naglaan ng P3.5 bilyon para sa national ID

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng  20 milyong mamamayang Filipino  sa national ID system sa susunod na taon.

 

P3.52-billion additional budget ang inilaan para sa  2021 para irehistro  mahigit 20 milyong indibidwal maliban sa 50 milyong target sa  Philippine Identification System (PhilSys).

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong  2018 para maging ganap na batas ang PhilSys Act na ang mandato sa pamahalaan ay lumikha ng  single official identification card para sa lahat ng mga mamamayang Filipino at foreign residents na magsisilbi bilang  de facto national identification number.

 

Layon ng ID ay ang  “to boost efficient public service delivery, enhance administrative governance, reduce corruption, curtail bureaucratic red tape, promote ease of doing business, and strengthen financial inclusion.”

 

Ang  Philippine Statistics Authority (PSA) ay binigyan ng mandato na pangunahan ang  ID system, na may suporta mula sa  policy board na pamumunuan ng  National Economic and Development Authority at kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

 

Noong Oktubre ay sinimulan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration sa Philipine Identification System (PhilSys), na nagbibigay prayoridad sa mga low income families.

 

Sinabi naman ni Du­terte na ang pagpapatupad ng national ID system ang reresolba sa discre­pancies sa distribusyon ng cash assistance sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng CO­VID-19 pandemic.

 

Layon ng national ID na mapagsama at maikonekta ang maraming government IDs sa pamamagitan ng single national identification system. (Daris Jose)

Other News
  • Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

    INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.     Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, […]

  • Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr

    Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16.     Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, […]

  • PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA

    BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito.   Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]