• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM

SINABI ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na  nagtapos na ang emergency phase ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso ng Covid-19.

 

 

“So we don’t need to do anything. We are already on normal footing. Nauna pa tayo sa kanila . And in terms of the… requirement that we used to have for a valid vaccine certificate, wala, matagal nang tinanggal ‘yun ,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So now we have the e-Pass that’s much easier to use. That was… to make the ease of travel better. But we did that a few months back,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi naman ni House of Representatives Speaker Martin Romualdez na ang naging deklarasyon ng  WHO ay magbibigay-daan naman sa Pilipinas na mapanatili ang pagyabong ng ekonomiya ng bansa o dalhin ang ekonomiya sa mas mataas na antas.

 

 

“The lifting would translate to increased mobility, more economic activities, and therefore additional job and income opportunities for workers and their families,” ayon kay Romualdez.

 

 

Sinabi pa niya na ang pagbawi sa travel restrictions ay mangangahulugan ng mas maraming turista ang bibisita sa Pilipinas.

 

 

“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” ayon kay Romualdez.

 

 

Magkagayon man, sinabi ni Romualdez na hindi pa rin dapat na maging kampante ang publiko  at palaging i- observe ang  minimum health requirements gaya ng pagsusuot ng face masks kung kinakailangan, regular na paghuhugas ng kamay, mag-isolate kapag may sakit, magpabakuna, at panatilihin ang  physical distancing –upang maiwasan na mahawa ng  Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

    ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.     Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng […]

  • Ads October 27, 2023

  • RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS

    Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019.  Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.   Ayon kay Department of Labor […]