PBBM, tinanggap ang pagbibitiw ng 18 pulis na di umano’y sangkot sa illegal na droga
- Published on July 27, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.
Base na rin ito sa naging rekumendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.
Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. sa Pangulo na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities.
Sinabi nito na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation ang mga nasabing opisyal kahit pa may nakabinbing imbestigasyon ang mga ito.
Sa 953, inirekomenda ng grupo ang non-acceptance sa 935 courtesy resignations at acceptance sa resignation ng mga sumusunod na 18 officers:
- PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
- PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
- PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
- PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
- PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
- PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
- PCOL Robin King Sarmiento O-03552
- PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
- PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
- PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
- PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
- PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
- PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
- PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
- PCOL Michael Arcillas David O-07686
- PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
- PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
- PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043
Ayon sa PNP Chief, patuloy na mino-monitor ang mga nasabing opisyal.
Sinabi pa nito na ang kinakailangang “orders for their relief from their present positions will be immediately issued and the (resigned) officers will be assigned to the Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) to preclude them from exerting further influence and/or performing illegal activities using their positions.”
Sa simula pa lamang ng kanyang administrasyon, nangako na ang Pangulo na “to clean up the ranks of the PNP, saying that the drug problem would not exist without the involvement of police officials.”
Samantala, sa SONA pa rin ng Pangulo, sinabi nito na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may “unquestionable integrity” para pangunahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Lalagyan aniya ng kanyang administrasyon ng bagong mukha ang nasabing kampanya.
“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Binigyang diin ng Pangulo na ang pamahalaan ay “will relentlessly continue our fight against drug syndicates, shutting down their illegal activities. We will shut down their activities and dismantle their network of operations.” (Daris Jose)
-
DINGDONG at BIANCA, muling mapapanood sa Holy Week special ng ‘Magpakailanman’
MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2). Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay […]
-
14- anyos na dalagita ginahasa ng kainuman
MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita matapos puwersahan pinainom muna ng alak bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo makaraang malasing ang biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon city. Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Hulong Duhat ang suspek na itinago sa pangalang “Ronald” makaraang makapaghain ng reklamo ang […]
-
Djokovic pasok na sa quarterfinals ng French Open
PASOK na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic. Ito ay matapos talunin si Karen Khachanov sa score na 6- 4, 6-3, 6-3. Ang world number 16 na si Khachanov ay siyang tumalo kay Djokovic noong 2018 Paris Masters. Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Pablo Carreno […]