• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN

TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city.

 

Inoobserbahan naman sa naturang pagamutan sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan ang kanyang back rider na si Dexter De Asis, 29, delivery helper ng Sangandaan, Caloocan city.

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide at Serious Physical Injury ang driver ng Isuzu Jitney (PUJ) na may plakang (NWJ-921) na si Geniroso Vergara, 29 ng Dizon St., Brgy. 2, Caloocan city.

 

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Mabini St. corner P. Gomez II, Brgy. 5, habang minamaniobra ni Vergara ang naturang jitney nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima na patungong Sangandaan sa kanang bahagi nito.

 

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima at bumagsak sa simentadong kalsada na naging dahilan upang mabilis silang isinugod sa naturang pagamutan habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Vergara. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, nagbabala ng panganib sa poultry, livestock; hinikayat ang publiko na maging bigilante

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling may panganib sa poultry at livestock sa kabila ng development sa bakuna laban sa animal viral diseases.     Ayon sa Pangulo, kailangang tingnan ng gobyerno ang usaping ito.     Sa pagsasalita ng Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines 2023, araw ng Miyerkules, Hulyo 5, binigyang […]

  • Speaker Romualdez ipinapanukala ang PH-US-India partnership sa pagtatayo ng digital public infrastructures

    IPINANUKALA ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng partnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.     Ginawa ni Romualdez ang kanyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung […]

  • DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’

    HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis.     Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga […]