• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala sa agrikultura dahil kay Goring, umakyat sa P504.4M

UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector  kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring.

 

 

Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 million.

 

 

Mas mataas ito kumpara sa  P375 million na naiulat noong Agosto  31.

 

 

Naapektuhan ng masungit at masamang panahon ang  11,965  magsasaka sa  19,658 ektarya ng agricultural areas sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.

 

 

Pagdating naman sa volume, “production losses stood at 21,134 metric tons”, ayon sa DA.

 

 

Affected commodities include rice, corn, high-value crops, and livestock,”  dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Ang bigas ang pinaka- mas apektado sa mga produkto, may  total value loss na P362.2 million, katumbas sa 16,488 MT ng mga pananim na nasira sa 13,967 ektarya ng lupang sakahan.

 

 

Sumunod naman ang mais na may  P139.1 milyong halaga ng pinsala at volume loss na 4,590 MT sa 5,682 ektarya ng lugar ang nasira.

 

 

Para naman sa mga  high-value crops, ang halaga ng value loss ay umabot sa  P2.7 million, habang ang  volume loss ay  pumalo naman sa 56 MT  sa siyam na ektarya ng lupain.

 

 

“The livestock and poultry sub-sector incurred P487,600 worth of losses, accounting for 23 heads of cattle, carabao, and goats,” ayon sa DA sabay sabing “The DA, through its RFOs (regional field offices), is conducting assessments of damage and losses brought by ‘Goring’ in the agriculture and fishery sectors.”

 

 

Samantala, sinabi pa rin ng departamento na “The DA-DRRM Operations Center will continuously provide updates regarding Goring.” (Daris Jose)

Other News
  • Walong guro ang magtatagisan sa pag-awit: Dr. CARL at Direk CATHY, nag-team up sa ‘Gimme a Break: Teachers Edition”

    SINA Dr. Carl E. Balita at Cathy Garcia-Sampana ay bumuo ng isang partnership na magpapakita ng husay sa pagkanta ng mga guro sa pamamagitan ng “Gimme a Break: Teachers Edition.”  Ang “Gimme a Break” ay isang talent search competition na naglalayong tumuklas ng mga bagong talento na magniningning sa kani-kanilang kakayahan. Si Dr. Carl E. […]

  • Anti-Terrorism Law, ganap nang maaaring ipatupad ng pamahalaan sa buong bansa

    MAAARI na ngayong ganap na ipatupad ng pamahalaan ang implementasyon ng anti-terrorism law sa buong bansa.     Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang constitutionality ng naturang panukala.     Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, tuluy-tuloy na ang magiging implementasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa hindi na diringgin pa ng […]

  • Gilas Pilipinas magsisimula na ang ensayo sa Lunes

    MAY  mga ilang PBA teams na ang nagpahayag ng kanilang interest na maglalagay ng kanilang manlalaro sa Gilas Pilipinas sa sasabak sa November Window ng FIBA World Asian Qualifiers.     Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) posibleng karamihan sa mga manlalaro na bubuo sa Gilas Pilipinas ay manggagaling sa TNT, San Miguel Beer […]