• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Release order ni Pemberton, ipinadala na sa JUSMAG matapos pirmahan ni BuCor Dir. Bantag

Inaabangan na ngayon ang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na kasalukuyang nakapiit sa Kampo Aguinaldo.

 

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag, matapos nitong pirmahan ang release order ni Pemberton ay ipinadala na ito sa Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG).

 

Sinabi ni Bantag na ibibigay ng BuCor at Department of National Defense (DND) personne ang pirmadong release order ng dating sundalo.

 

Sa isyu naman ng kustodiya, sinabi ni Bantag na hindi na ita-transfer sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang sundalo habang nananatili sa kanyang piitan.

 

Una rito, kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na matatapos ngayong weekend ang buong proseso ng pagpapalaya at deportation kay Pemberton.

 

Gayunman, sinabi ni Guevarra na ang actual exit ni Pemberton ay magiging depende sa kanyang flight arrangements dahil ito ay isang US military personnel.

 

“The whole process of official release and deportation can be completed by the weekend. But the date of pemberton’s actual exit from the country depends on his flight arrangements, considering that he is a military personnel of the US,” ani Guevarra.    

Other News
  • Mixed emotions ang naramdaman nang mag-taping na: MARIAN, biniro pa ni GABBY kung sigurado na sa kanilang pagtatambal

    NGAYONG Friday, July 14, ang simula ng 5th anniversary presentation ng “Amazing Earth PH” na magpapasimula ng GMA Best WKND Ever.       Simula kasi iyon ng pagbabago ng schedules tuwing weekend ng mga GMA shows.  Mapapanood muna si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, sa mystery action series na “Royal Blood,” at pagkatapos mapapanood na siya […]

  • 2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.     Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]

  • Pagbibibigay-pugay sa mga co-stars, sinaluduhan ng netizens: DINGDONG, pinahanga nang husto ni DION sa pagiging mahusay na stand-in actor

    TULAD ng pinangako ni Dingdong Dantes na gumaganap na kambal na mini–series na I Can See You: AlterNate, ipinakilala niya last Monday ang stand-in Kapuso actor na wala iba kundi si Dion Ignacio, na labis-labis niyang hinangaan.     At para magawa nang mas maayos ang mga eksena nina “Nate” at “Miguel”, ang aktor nga […]