• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC

 

NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal.

 

“As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based international order and pursue the peaceful resolution of disputes,” ang sinabi ng National Maritime Council (NMC) sa isang kalatas.

 

Gayunman, tiniyak ng NMC sa publiko na ang Pilipinas “will not succumb toacts ofharassment and aggressive behavior.”

 

Sinabi pa ng NMC na patuloy na paninindigan ng Pilipinas ang “soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon” nito sa WPS.

 

“China’s latest actions are uncalled for as the Philippine vessel was engaged in a peaceful and lawful patrol within itsownmaritime jurisdiction,” ang sinabi ng NMC.

 

Sa press briefing, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sinadya ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel 5205 na banggain ang PCG vessel BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), tatlong beses sa bisinidad ng Escoda Shoal.

 

Inilagay ng agresibong pagmamaniobra ng CCG vessel ang buhay at naging dahilan ng matinding pinsala sa BRP Teresa Magbanua habang nagsasagawa ng routine patrols sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

Iginiit ng NMC na ang presensiya ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, na nakahimlay sa 75 nautical miles mula sa Philippine baselines, ay “legal and isin accordance withinternational law, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award.”

 

Nanawagan ang NMC sa CCG “exercise restraint and prioritize the safety of vessels at sea and aircraft within our airspace”.

 

“The Philippines will continue its sovereign operations in its maritime zones. The BRP Teresa Magbanua will remain and maintain its operations in the West Philippine Sea,” ayon sa NMC sabay sabing ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagsasagawa ng “routine maritime activities, protecting its territory at maritime zones, at pagdepensa sa katubigan laban sa environmental degradation at iba pang illegal activities. (Daris Jose)

Other News
  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • 1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline

    Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.   Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon […]

  • Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R

    MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia.   Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.”   Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin.   “Sinadya niya, […]