• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online System para sa Driver’s License Card Requests, inilunsad ng LTO

INILUNSAD ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang bagong online system para sa mga request at nagtatanong ng availability ng Driver’s License Cards.

 

 

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III, ang bagong feature ay accessible sa official LTO-NCR website para sa mas mabilis at kumbinienteng solosyon sa mga kliyente na nais masuri ang kanilang card status at makapag- submit ng print requests para sa Driver’s License Cards backlog.

 

 

Anya kailangan lamang na bisitahin ang Driver’s License Card (Print Request for Backlog DL Cards) via https://www.ltoncr.com/dlcardrequest at Driver’s License Online Inquiry via https://www.ltoncr.com/dlcardinquiry.

 

 

“This online service is exclusively available to clients who have renewed or applied for their driver’s license at the LTO-NCR offices.The system enables users to request and claim their Driver’s License Cards only at the specific LTO office where the transaction took place. This ensures a streamlined process and improves overall efficiency in card distribution,” sabi ni Versoza.

 

 

Sinabi ni Versoza na ang option para sa request at pag-claim ng Driver’s License Cards ay available sa mga pi­ling LTO offices sa Metro Manila.

 

 

Ito ay sa ibat ibang Driver’s License Renewal Offices (DLROs) sa Ali Mall in Cubao, Eastwood, at Robinsons Place Manila gayundin sa licensing centers tulad ng Quezon City Licensing Center at Caloocan Licensing Extension Office gayundin sa iba pang District/Extension Offices kabilang na ang Pateros Extension Office at La Loma District Office.

 

 

Anya, iaanunsyo sa susunod na mga araw ang iba pang LTO offices sa NCR ang bukas para sa programang ito.

Other News
  • Mga laro sa PBA tuluyan ng kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

    Itinigil ng Philippine Basketball Associaton (PBA) ang nagaganap ng mga laro sa 2021-2022 Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa unang plano kasi ay temporaryo muna nilang ititigil ang mga laro ng isang linggo subalit nagdesisyon ang mga boards na itigil muna ito ng walang katiyakan. […]

  • Rescue ng Badjao, Aeta sa kalsada inumpisahan na ng DSWD

    HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.     Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.     […]

  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]