P29/K bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores
- Published on August 10, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA nang magbenta ang gobyerno nitong Huwebes ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa ilang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).
“Ngayong araw ang simula ng Kadiwa center sa NIA, makabibili ng P29/kilo na bigas ang senior citizen, miyembro ng 4Ps,” pahayag ni NIA Administrator Eduardo Guillen.
Samantalang nakatakda namang ilunsad sa susunod na linggo ang programa sa P29 kilo ng bigas sa mga Kadiwa Centers para mas marami pang mga konsumer mula sa nabanggit na sektor ang makabili.
Ayon kay Guillen at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., limitado lamang sa 10 kilo ng bigas kada konsumer ang pahihintulutan upang mas marami pa ang mapagsilbihan ng nasabing P29 kilo ng bigas program.
Bagong ani ang bigas na ibebenta na masarap at magandang klase.
Aminado naman ang opisyal na ang mataas na presyo ng bigas ay isang matinding hamon sa gobyerno lalo na sa mga surveys ay lumilitaw na mataas pa rin ang inflation sa bansa.
Una nang sinabi ni Laurel na ang pagbebenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo ay isang long term program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
-
Panukalang Magna Carta para sa mga Filipino seafarers, aprubado ng komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa ang substitute bill sa ilang panukalang batas na magtatatag ng Magna Carta para sa Filipino Seafarers, upang protektahan ang kanilang mga karapatan at isulong ang kapakanan ng mga marino, gayundin ang pagpapasigla ng industriya. Ang mga ito ay ang House Bills 368, 379, 736, […]
-
“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” REVEALS RETURNING FOE IN TEASER POSTER
THE Multiverse unleashed. Checkout the official teaser poster below for Columbia Pictures’ new action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022. [And watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/iur-ckKj27U] About Spider-Man: No Way Home For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood […]
-
Christian Bale Is Wrongfully Accused Of Murder In ‘Amsterdam’ Trailer / ‘Winnie The Pooh: Blood and Honey’ Trailer Unveils Icons on a Killing Spree
A new trailer for David O. Russell’s highly anticipated comedy mystery film, Amsterdam, has arrived. Written and directed by Russell (The Fighter, American Hustle), the film tells the story of three friends, a doctor named Burt (Christian Bale), a nurse named Valerie (Margot Robbie) and an attorney named Harold (John David Washington), who […]